1 Macabeo 11:5-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Isinalaysay sa kanya ng mga tao ang ginawa ni Jonatan, sa pag-asang iyon ay pananagutin ng hari, ngunit hindi man lang umimik si Tolomeo.

6. Sinalubong pa siya ni Jonatan sa Joppa ng isang maringal na seremonya. Nagbatian sila at doon nagpalipas ng gabi.

7. Sinamahan pa siya ni Jonatan hanggang sa Ilog Eleutero bago ito nagbalik sa Jerusalem.

8. Sa ganitong paraan nakuha ni Tolomeo ang mga lunsod sa baybayin hanggang hilaga sa Seleucia sa tabing-dagat; ito'y isang hakbang sa ikatatagumpay ng kanyang balak laban kay Alejandro.

9. Mula roon, nagpasabi si Haring Tolomeo kay Haring Demetrio, “Gumawa tayo ng isang kasunduan. Ang anak kong ngayo'y asawa ni Alejandro ay babawiin ko at sa iyo ipakakasal. Ikaw ang pamamahalain ko sa kaharian ng iyong ama.

10. Nagsisisi ako sa pagbibigay ko sa kanya kay Alejandro na nagtangkang pumatay sa akin.”

11. Ito ang ginawang paratang ni Tolomeo laban kay Alejandro sapagkat nais niyang makuha ang kaharian nito.

1 Macabeo 11