1 Macabeo 11:49-57 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

49. Nang makita ng mga tao na ganap nang nasa kapangyarihan ng mga Judio ang lunsod, natakot sila at nagsumamo sa hari

50. na pansamantalang itigil ang labanan at ang pagsalakay ng mga Judio.

51. Ibinabâ ng mga rebelde ang kanilang mga sandata at sumuko. Mula sa hari, ang buong kaharian ay nagkaroon ng malaking paggalang sa mga Judio. Bumalik naman ang mga Judio sa Jerusalem na dala ang maraming nasamsam.

52. Matatag na ang paghahari ni Demetrio at naging mapayapa ang bansa sa pamamahala niya;

53. ngunit sinira niya ang lahat ng pangako kay Jonatan. Hindi niya ito ginantimpalaan sa matapat na paglilingkod. Sa halip, patuloy pa niya itong ginulo.

54. Pagkaraan ng ilang panahon, si Trifo ay nagbalik na kasama ang batang si Antioco at pinutungan ito bilang hari.

55. Lahat ng kawal na pinaalis ni Demetrio ay dumating para maglingkod sa batang hari. Tinalo nila si Demetrio hanggang sa ito'y tumakas.

56. Kinuha ni Trifo ang mga elepante at siya ang namahala sa Antioquia.

57. Ang batang si Haring Antioco ay sumulat kay Jonatan at pinagtibay ang kanyang pagiging Pinakapunong Pari at tagapamahala ng apat na lunsod; ginawa rin siyang kaibigan ng hari.

1 Macabeo 11