41. Nagpasabi si Jonatan kay Haring Demetrio na alisin na rin ang mga kawal nito sa kuta ng Jerusalem at sa mga kuta ng Judea, sapagkat ginugulo lamang nila ang mga Judio.
42. Tumugon si Demetrio, “Gagawin ko ang hinihiling mo, at sa tamang pagkakataon, ibibigay ko sa iyo at sa iyong bansa ang pinakamataas na karangalan.
43. Subalit kailangang tulungan mo ako ngayon; magpadala ka ng mga kawal na makikipaglaban para sa akin, dahil naghimagsik na lahat ang aking mga kawal.”
44. Nagpadala si Jonatan ng tatlong libong piling kawal sa Antioquia. Gayon na lamang ang tuwa ng hari nang dumating sila
45. sapagkat nagtipon na sa lunsod ang 120,000 katao para siya'y patayin.
46. Ngunit siya'y nakatakas sa palasyo samantalang nagkakagulo sa lansangan ang mga tao at nagpapasimula nang manggulo.
47. Hinudyatan ng hari ang mga kawal na Judio para tumulong, at sumugod silang lahat upang siya'y ipagtanggol. Pinasok nila ang buong lunsod at napatay nila ang hindi kukulangin sa 100,000 katao.
48. Nailigtas nila ang hari ngunit sinamsam nila ang mga ari-arian doon at sinunog ang lunsod.
49. Nang makita ng mga tao na ganap nang nasa kapangyarihan ng mga Judio ang lunsod, natakot sila at nagsumamo sa hari
50. na pansamantalang itigil ang labanan at ang pagsalakay ng mga Judio.