1 Macabeo 11:25-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

25. Bagaman siniraan ng ilang taksil na Judio si Jonatan,

26. siya'y tinanggap pa rin ng hari na gaya ng mga nauna sa kanya. Pinarangalan siya sa harapan ng lahat ng tagapayo,

27. at pinagtibay bilang Pinakapunong Pari. Ibinalik sa kanya ang lahat ng dati niyang karangalan at itinalaga pa bilang isa sa pangunahing kaibigan ng hari.

28. Hiniling ni Jonatan sa hari na huwag nang pagbayarin ng buwis ang Judea at ang tatlong lunsod ng Samaria, at nangako siya na kung ito'y gagawin ni Demetrio, babayaran niya ito ng 10,500 kilong pilak.

29. Pumayag ang hari, at gumawa siya ng isang sulat na nagpapatunay kay Jonatan ng lahat ng ito. Isinaad niya sa sulat,

1 Macabeo 11