1 Macabeo 11:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Si Haring Tolomeo, ikaanim na hari ng Egipto, ay nagtipon ng isang malaking hukbo na marami pa kaysa buhangin sa baybay-dagat. Nagtatag din siya ng isang malaking hukbong-dagat. Tangka niyang agawin ang kaharian ni Alejandro sa pamamagitan ng pandaraya para idagdag sa kanyang sariling kaharian.

2. Kaya't nagpunta siya sa Siria upang makipagkaibigan. Malugod naman siyang pinapasok at tinanggap ng mga mamamayan doon. Ito ang utos sa kanila ni Alejandro sapagkat si Tolomeo ay biyenan niya.

1 Macabeo 11