38. Mga mamamayan nitong lunsod ay tumakas dahil sa takot,at mga dayuhan ang dito'y nanirahan nang lubos;at ang lunsod ng Jerusalem ay naging dayuhan,sa mga anak niyang sa kanya'y nang-iwan.
39. Dakong Kabanal-banalan parang disyerto sa panglaw,naparam ang kapistahan, naging lungkot at kahihiyan.Ang Araw ng Pamamahinga ay hindi na iginagalang,ang dating karangalan, ngayo'y naging kahihiyan.
40. Kung ano ang dating ganda, siya ngayong pagkaaba;kung ano ang dating galak, ngayo'y luksang alaala.
41. Ang hari ay nagpalabas ng isang kautusan para sa buong imperyo. Iniutos niyang maging iisa ang tuntunin sa bansa,
42. kaya't ipinagbawal niya ang dating kautusan at ang relihiyon. Lahat ng Hentil ay sumang-ayon
43. at marami ring Israelita ang sumunod sa relihiyon ng hari. Naghandog din sila sa mga diyus-diyosan at nilabag ang Araw ng Pamamahinga.