1 Macabeo 1:31-39 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Sinamsam niya ang ari-arian ng mga tao at tinupok ang lunsod. Winasak niya ang mga bahay at mga pader nito.

32. Binihag niya ang mga babae at mga bata. Inagaw din niya ang kanilang mga kawan.

33. Ang lunsod ni David ay ipinagawa nilang tanggulan—pinataas ang mga tore at pader nito at lalong pinatibay.

34. Ginawa nilang pinuno roon ang masasamang tao, ang mga nagtaksil na Judio. Ito ang lalong nagpalakas sa kanilang kalagayan.

35. Ginawa rin itong imbakan ng mga sandata't pagkain, at ng mga kagamitang nasamsam nila sa Jerusalem. Ang tanggulan ay kinatakutan ng lahat sa bayan.

36. Mula roo'y nagmamasid sila sa mga dumaraan, kaya't sa Templo sila'y kinatatakutan,at sa Israel ay malaking kapinsalaan.

37. At sa Templong dalanginan, ang mga sumasamba'y pinapaslang kahit walang kasalanan,at ang dambana'y nilapastangan nitong mga makasalanan.

38. Mga mamamayan nitong lunsod ay tumakas dahil sa takot,at mga dayuhan ang dito'y nanirahan nang lubos;at ang lunsod ng Jerusalem ay naging dayuhan,sa mga anak niyang sa kanya'y nang-iwan.

39. Dakong Kabanal-banalan parang disyerto sa panglaw,naparam ang kapistahan, naging lungkot at kahihiyan.Ang Araw ng Pamamahinga ay hindi na iginagalang,ang dating karangalan, ngayo'y naging kahihiyan.

1 Macabeo 1