1 Macabeo 1:23-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Kinuha niya ang lahat ng mamahaling kasangkapan, lahat ng ginto at pilak; pati ang mga nakatagong kayamanan ay tinangay rin.

24. Lahat ng ito ay iniuwi niya sa kanyang bayan. Marami siyang ipinapatay at ito ay ipinagmalaki pa niya.

25. Bawat isa sa Israel ay nagdalamhati;

26. ang mga pinuno doon ay nagsitangis.Nawalan na ng sigla ang mga binata't dalaga;ganda ng kababaihan ay kumupas na.

1 Macabeo 1