Salmo 99:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig.

2. Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,dinadakila siya sa lahat ng bansa.

3. Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.Siya ay banal!

Salmo 99