Salmo 9:5-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasama,kaya hindi na sila maaalala magpakailanman.

6. Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway;sila ay lubusang nawasak.Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan,at silaʼy lubusan nang makakalimutan.

7. Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman.At handa na ang inyong trono para sa paghatol.

8. Hinahatulan nʼyo nang matuwid ang mga tao sa bawat bansa,at wala kayong kinikilingan.

9. Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi,at kublihan sa panahon ng kahirapan.

10. Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo,dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.

11. Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem!Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa!

12. Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan;pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.

13. Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway.Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,

Salmo 9