41. Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala,pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod.Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.
42. Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat.
43. Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan.
44. Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan pati na ang kanyang kapangyarihan bilang hari.
45. At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda sa bata niyang edad.Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.
46. Panginoon, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan?Wala na ba itong katapusan?Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin?
47. Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi ang buhay ng tao.Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao na may kamatayan.
48. Sinong tao ang hindi mamamatay?Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?
49. Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig? Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay David ayon sa inyong katapatan sa kanya?