21. Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya.
22. Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway.Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasama.
23. Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway,at lilipulin ang mga may galit sa kanya.
24. Mamahalin ko siya at dadamayan.At sa pamamagitan ng aking kapangyarihanay magtatagumpay siya.
25. Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates.
26. Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama at Dios;kayo ang bato na aking kanlungan at kaligtasan.’