Salmo 88:6-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Para nʼyo akong inilagay sa napakalalim at napakadilim na hukay.

7. Sobra ang galit nʼyo sa akin, parang mga alon na humahampas sa akin.

8. Inilayo nʼyo sa akin ang aking mga kaibigan at ginawa nʼyo akong kasuklam-suklam sa kanila.Nakulong ako at hindi na makatakas.

9. Dumidilim na ang paningin ko dahil sa hirap. Panginoon, araw-araw akong tumatawag sa inyo na nakataas ang aking mga kamay.

10. Gumagawa ba kayo ng himala sa mga patay?Bumabangon ba sila upang kayoʼy papurihan?

11. Ang katapatan nʼyo ba at pag-ibig ay pinag-uusapan sa libingan?

12. Makikita ba ang inyong mga himala at katuwiran sa madilim na lugar ng mga patay?Doon sa lugar na iyon ang lahat ay kinakalimutan.

13. Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo.Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo.

14. Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon?Bakit nʼyo ako pinagtataguan?

Salmo 88