13. dahil ang pag-ibig nʼyo sa akin ay dakila.Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.
14. O Dios, sinasalakay ako ng grupo ng mayayabang na tao para patayin.Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.
15. Ngunit kayo, Panginoon, ay Dios na nagmamalasakit at mahabagin.Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi madaling magalit.
16. Bigyang pansin nʼyo ako at kahabagan;bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod.
17. Ipakita sa akin ang tanda ng inyong kabutihan,upang makita ito ng aking mga kaaway at nang silaʼy mapahiya.Dahil kayo, Panginoon, ang tumutulong at umaaliw sa akin.