Salmo 86:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Panginoon, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan,at susundin ko ito nang may katapatan.Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo.

12. Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan.Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman,

13. dahil ang pag-ibig nʼyo sa akin ay dakila.Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.

14. O Dios, sinasalakay ako ng grupo ng mayayabang na tao para patayin.Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

Salmo 86