Salmo 78:39-54 Ang Salita ng Dios (ASND)

39. Naisip niyang mga tao lang sila,parang hangin na dumadaan at biglang nawawala.

40. Madalas silang maghimagsik sa Dios doon sa ilang at pinalungkot nila siya.

41. Paulit-ulit nilang sinubok ang Dios;ginalit nila ang Banal na Dios ng Israel.

42. Kinalimutan nila ang kanyang kapangyarihan na ipinakita noong iniligtas niya sila mula sa kanilang mga kaaway,

43. pati ang mga ginawa niyang mga himala at mga kahanga-hangang gawa roon sa Zoan sa lupain ng Egipto.

44. Ginawa niyang dugo ang mga ilog sa Egipto, at dahil dito wala silang mainom.

45. Nagpadala rin siya ng napakaraming langaw upang parusahan sila,at mga palaka upang pinsalain sila.

46. Ipinakain niya sa mga balang ang kanilang mga pananim at mga ani.

47. Sinira niya ang kanilang mga tanim na ubas at mga punong sikomoro sa pamamagitan ng pagpapaulan ng yelo.

48. Pinagpapatay niya ang kanilang mga hayop sa pamamagitan ng kidlat at pag-ulan ng malalaking yelo.

49. Dahil sa napakatinding poot at galit niya sa kanila,nagpadala rin siya ng mga anghel upang ipahamak sila.

50. Hindi pinigilan ng Dios ang kanyang poot.Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan.Sa halip ay pinatay sila sa pamamagitan ng mga salot.

51. Pinatay niyang lahat ang mga panganay na lalaki sa Egipto na siyang lugar ng lahi ni Ham.

52. Ngunit inilabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na katulad ng mga tupa at pinatnubayan sila na parang kanyang kawan sa ilang.

53. Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot.Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat.

54. Dinala sila ng Dios sa lupain na kanyang pinili,doon sa kabundukan na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Salmo 78