Salmo 78:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Mga kababayan, ang mga turo koʼy inyong pakinggan.

2. Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kasaysayan.Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.

3. Napakinggan na natin ito at nalaman.Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4. Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak;sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi.Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

5. Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob.Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

6. upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak.

Salmo 78