9. Nakalimutan na ba niyang maging maawain?Dahil ba sa kanyang galit kaya nawala na ang kanyang habag?”
10. At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Dios.”
11. Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa.Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon.
12. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.