Salmo 68:21-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Tiyak na babasagin ng Dios ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.

22. Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan;pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,

23. upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugoat magsasawa ang inyong mga aso sa paghimod ng kanilang dugo.”

24. O Dios na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong templo.

25. Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog;at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.

26. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios sa inyong mga pagtitipon!Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mula sa lahi ng Israel.”

27. Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin,kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi,at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Naftali.

28. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.

29. Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.

30. Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban.Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guyahanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo.Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.

31. Magpapasakop ang mga taga-Egipto sa inyo.Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.

Salmo 68