Salmo 66:13-19 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunogupang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,

14. mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.

15. Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog,katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.

16. Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios.Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin.

17. Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.

18. Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan,hindi niya sana ako pakikinggan.

19. Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

Salmo 66