Salmo 63:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay.Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.

5. Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan.At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan

6. Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko.Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko.

7. Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako,habang akoʼy nasa inyong pangangalaga.

8. Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako ng inyong kanang kamay upang hindi ako mapahamak.

Salmo 63