8. Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras!Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin,dahil siya ang nag-iingat sa atin.
9. Ang tao, dakila man o mangmang, ay hindi mapagkakatiwalaan.Pareho lang silang walang kabuluhan.Magaan pa sila kaysa sa hangin kapag tinimbang.
10. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw.Dumami man ang inyong kayamanan,huwag ninyo itong mahalin.
11. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan
12. at tapat ang kanyang pag-ibig.Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.