6. Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.Gabi-gabiʼy basa ng luha ang aking unan, dahil sa labis na pag-iyak.
7. Ang aking mga mataʼy namumugto na sa kaiiyak,dahil sa ginagawa ng lahat kong mga kaaway.
8. Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng kasamaan,dahil narinig ng Panginoon ang aking pag-iyak.
9. Narinig niya ang paghingi ko ng tulong,at sasagutin niya ang aking dalangin.
10. Mapapahiya at matatakot ang lahat ng aking kaaway,kaya bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.