Salmo 59:12-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Nagkakasala sila dahil sa kasamaan ng kanilang sinasabi.Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan.Nagmumura sila at nagsisinungaling,

13. kaya sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho.Sa gayon ay malalaman ng buong mundo na kayo, O Dios, ang naghahari sa Israel.

14. Bumabalik ang mga kaaway ko kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.

15. Naglilibot sila para humanap ng pagkain at umaalulong kapag hindi nabusog.

Salmo 59