2. Nagliliwanag siya mula sa Zion,ang magandang lungsod na walang kapintasan.
3. Darating ang Dios at hindi lang siya basta mananahimik.Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit,at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.
4. Tinawag niya ang buong langit at mundo para sumaksisa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.
5. Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinilina nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
6. Inihahayag ng kalangitan na ang Dios ay matuwid,dahil siya nga ang Dios na may karapatang mamuno at humatol.
7. Sinabi pa ng Dios, “Kayong mga mamamayan ko,pakinggan ninyo ang aking sasabihin!Ako ang Dios, na inyong Dios.Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!
8. Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handogna palagi ninyong iniaalay sa akin.