Salmo 48:2-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Itoʼy mataas at maganda,at nagbibigay kagalakan sa buong mundo.Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.

3. Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem,at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.

4. Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.

5. Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,nagulat, natakot at nagsitakas sila.

Salmo 48