5. Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!
8. Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig.Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo,O Dios na nagbigay ng buhay ko.
9. O Dios, na aking batong kanlungan, akoʼy nagtatanong,“Bakit nʼyo ako kinalimutan?Bakit kinakailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?”
10. Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway.Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?”