Salmo 40:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog.Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan.Sa halip, ginawa nʼyo akong masunurin sa inyo.

7. Kaya sinabi ko,“Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

8. O Dios, nais kong sundin ang kalooban ninyo.Ang inyong mga kautusan ay iniingatan ko sa aking puso.”

9. Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas sa akin.At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

10. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan.Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan.Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan.

11. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin.Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.

Salmo 40