1. Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,at dininig niya ang aking mga daing.
2. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon,ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindimapahamak.
3. Tinuruan niya ako ng bagong awit,ang awit ng pagpupuri sa ating Dios.Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios,at silaʼy magtitiwala sa kanya.
4. Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,o sumasamba sa mga dios-diosan.