9. Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad,at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.
10. Kumakabog ang aking dibdib at nawawalan ako ng lakas;pati ang ningning ng aking mga mata ay nawala na.
11. Dahil sa aking karamdaman,akoʼy iniwasan ng aking mga kaibigan, kasamahan,at maging ng aking mga kamag-anak.
12. Ang mga tao na gustong pumatay sa akin ay naglalagay ng bitag upang akoʼy hulihin.Ang mga gustong manakit sa akin ay nag-uusap na akoʼy ipahamak.Buong araw silang nagpaplano ng kataksilan.
13. Ngunit para akong pipi at bingi na hindi nakaririnig at hindi nakapagsasalita.
14. Nagbibingi-bingihan ako at hindi sumasagot sa kanila.
15. Dahil naghihintay pa rin ako sa inyo, Panginoon.Kayo, Panginoon na aking Dios, sasagutin nʼyo ako.
16. Kayaʼt hinihiling ko sa inyo:“Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaawayo kayaʼy magmalaki kapag akoʼy natumba.”
17. Akoʼy parang babagsak nasa walang tigil na paghihirap.