Salmo 38:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Akoʼy namimilipit sa sobrang sakit at lubos ang kalungkutan ko buong araw.

7. Sumasakit ang buo kong katawan,at bumagsak na rin ang aking kalusugan.

8. Akoʼy pagod na at nanghihina pa,at dumadaing din ako dahil sa sobrang bigat ng aking kalooban.

9. Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad,at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.

10. Kumakabog ang aking dibdib at nawawalan ako ng lakas;pati ang ningning ng aking mga mata ay nawala na.

11. Dahil sa aking karamdaman,akoʼy iniwasan ng aking mga kaibigan, kasamahan,at maging ng aking mga kamag-anak.

Salmo 38