Salmo 37:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

5. Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa;magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.

6. Ihahayag niya nang malinaw na ikaw ay matuwid at makatarungan,kasingliwanag ng sinag ng araw sa katanghaliang tapat.

7. Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,at matiyagang maghintay sa gagawin niya.Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa,kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.

8. Huwag kang magagalit. Pigilan mo ang iyong poot.Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama.

9. Ang masama ay ipagtatabuyan,ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay mananatili sa lupaing ito.

Salmo 37