28. Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan.Silaʼy iingatan niya magpakailanman.Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
29. Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
30. Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
31. Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso,at hindi niya ito sinusuway.
32. Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantayupang salakayin at patayin ang taong may matuwid na pamumuhay.
33. Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon ang taong matuwidsa kamay ng kanyang mga kaaway,o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.
34. Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan.Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel,at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.
35. Nakita ko ang masamang tao na nang-aapi.Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba,katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.