Salmo 33:10-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya.Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.

11. Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman,at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

12. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon.At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya.

13. Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang lahat ng tao.

14. Mula sa kanyang luklukan,tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo.

15. Siya ang nagbigay ng puso sa mga tao,at nauunawaan niya ang lahat ng kanilang ginagawa.

16. Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal,at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas.

17. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan;hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan.

18. Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya,sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Salmo 33