19. O kay dakila ng inyong kabutihan;sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan.Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan.
20. Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga.At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba.
21. Purihin ang Panginoon,dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akinnoong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan.
22. Doon akoʼy natakot at nasabi ko,“Binalewala na ako ng Panginoon.”Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan.
23. O, kayong tapat niyang mga mamamayan,mahalin ninyo ang Panginoon.Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya,ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.
24. Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob,kayong mga umaasa sa Panginoon.