Salmo 31:11-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Kinukutya ako ng aking mga kaaway,at hinahamak ng aking mga kapitbahay.Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan;kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan.

12. Para akong patay na kanilang kinalimutan,at parang basag na sisidlan na wala nang halaga.

13. Marami akong naririnig na banta laban sa akin.Natatakot akong pumunta kahit saan,dahil plano nilang patayin ako.

14. Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.Sinasabi kong,“Kayo ang aking Dios!”

15. Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.

16. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.

17. Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,dahil sa inyo ako tumatawag.Ang masasama sana ang mapahiyaat manahimik doon sa libingan.

18. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,pati ang mga mayayabang at mapagmataasna binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.

Salmo 31