Salmo 27:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin.Maghahandog ako sa templo ng Panginoon habang sumisigaw sa kagalakan,umaawit at nagpupuri.

7. Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin.

8. Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo,kaya narito ako, lumalapit sa inyo.

9. Huwag nʼyo po akong pagtaguan!Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit.Kayo na laging tumutulong sa akin,huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,O Dios na aking Tagapagligtas.

10. Iwanan man ako ng aking mga magulang,kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.

11. Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko.Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama.

Salmo 27