2. Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo,ngunit hindi nʼyo ako sinasagot,kaya wala akong kapahingahan.
3. Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono,at pinupuri ng mga Israelita.
4. Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala,at silaʼy inyong iniligtas.
5. Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.
6. Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.