Salmo 22:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan?Bakit kay layo nʼyo sa akin?Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan.

2. Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo,ngunit hindi nʼyo ako sinasagot,kaya wala akong kapahingahan.

3. Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono,at pinupuri ng mga Israelita.

4. Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala,at silaʼy inyong iniligtas.

5. Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.

6. Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.

Salmo 22