Salmo 21:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, sobrang galak ng haridahil binigyan nʼyo siya ng kalakasan.Siyaʼy tuwang-tuwa dahil binigyan nʼyo siya ng tagumpay.

2. Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad;hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan.

3. Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala.Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto.

4. Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya,at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay.

Salmo 21