Salmo 18:23-33 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.

24. Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.

25. Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.

26. Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit tuso kayo sa mga taong masama.

27. Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.

28. Panginoon kong Dios, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag.Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

29. Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

30. Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.Ang inyong mga salita ay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

31. Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.

32. Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,at nagbabantay sa aking daraanan.

33. Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

Salmo 18