Salmo 17:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan,at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.

6. O Dios sa inyo akoʼy dumadalangin,dahil alam kong akoʼy inyong diringgin.Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.

7. Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa. Alam ko, sa inyong kapangyarihan, inyong inililigtas ang mga taong nanganganlong sa inyo mula sa kanilang mga kaaway.

8. Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata,at kalingain nʼyo gaya ng pagtatakip ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.

9. Ipagtanggol nʼyo po ako sa aking mga kaawayna nakapaligid sa akin at pinagtatangkaan ang aking buhay.

Salmo 17