1. O Dios, ingatan nʼyo po ako,dahil sa inyo ako nanganganlong.
2. Kayo ang aking Panginoon.Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.
3. Tungkol sa inyong mga taong banal na nasa lupain ng Israel,lubos ko silang kinalulugdan.
4. Ngunit ang mga sumusunod sa mga dios-diosan ay lalong mahihirapan.Hindi ako sasama sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga dios-diosan,at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito.
5. Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay.Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay.Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.
6. Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang malawak na taniman, kahanga-hangang tunay.Tunay na napakaganda ng kaloob na ibinigay nʼyo sa akin.