Salmo 143:3-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Tinugis ako ng aking mga kaaway.Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan;tulad ako ng isang taong matagal nang patay.

4. Kaya nawalan na ako ng pag-asa,at punong-puno ng takot ang puso ko.

5. Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una;pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.

6. Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin,kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.

7. Panginoon, agad nʼyo akong sagutin.Nawawalan na ako ng pag-asa.Huwag nʼyo akong layuan, baka akoʼy mamatay.

Salmo 143