Salmo 121:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Pakinggan mo ito!Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.

5. Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

6. Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.

7. Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

8. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,ngayon at magpakailanman.

Salmo 121