26. Kaya pumapaitaas ang kanilang barko nang napakataas at pumapailalim.At silaʼy nangatakot sa nagbabantang kapahamakan.
27. Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing,at hindi na alam kung ano ang gagawin.
28. Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,at silaʼy iniligtas niya mula sa kapahamakan.
29. Pinatigil niya ang malakas na hangin at kumalma ang dagat.
30. At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak,at pinatnubayan sila ng Dios hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan.
31. Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.
32. Dapat nilang parangalan ang Dios sa kanilang pagtitipon,at purihin siya sa pagtitipon ng mga namamahala sa kanila.