3. Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.
4. Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
5. upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,at makadama rin ng kanilang kagalakan,at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
6. Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;masama ang aming ginawa.
7. Nang silaʼy nasa Egipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila,at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.
8. Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila,upang kayo ay maparangalanat maipakita ang inyong kapangyarihan.
9. Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula na matuyo, at itoʼy natuyo;pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.
21-22. Kinalimutan nila ang Dios na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala roon sa Egipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.
23. Nilipol na sana ng Dios ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod.Pinakiusapan ni Moises ang Panginoon na pigilan niya ang kanyang galit upang hindi sila malipol.
24. Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila.
25. Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.
26. Kaya sumumpa ang Panginoon na papatayin niya sila doon sa ilang,
27. at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.
28. Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor,at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.