11. Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway,at walang sinumang nakaligtas sa kanila.
12. Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako,at umawit sila ng mga papuri sa kanya.
13. Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa,at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.
14. Doon sa ilang, sinubok nila ang Dios dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.
15. Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling,ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.
16. Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.
17. Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.
18. At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.