Salmo 105:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.Sambahin nʼyo siya!Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

2. Awitan nʼyo siya ng mga papuri;ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

3. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.

4. Magtiwala kayo sa Panginoon,at sa kanyang kalakasan.Palagi kayong dumulog sa kanya.

5-6. Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Dios,at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang,alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang paghatol.

7. Siya ang Panginoon na ating Dios,siya ang humahatol sa buong mundo.

Salmo 105