Salmo 102:2-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Sa oras ng aking paghihirap ay huwag sana kayong magtago sa akin.Pakinggan nʼyo ako at agad na sagutin.

3. Dahil ang buhay koʼy unti-unti nang naglalaho tulad ng usok;at ang katawan koʼy para nang sinusunog.

4. Akoʼy parang damong nalalanta na.Wala na akong ganang kumain

5. dahil sa labis na pagdaing.Parang butoʼt balat na lang ako.

6. Ang tulad koʼy mailap na ibon sa ilang,at kuwago sa mga lugar na walang tao.

7. Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibon na nag-iisa sa bubungan.

8. Palagi akong iniinsulto ng aking mga kaaway.Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.

9. Hindi ako kumakain;umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,

Salmo 102